Monday, July 18, 2016

Xtories SERIES ~ The Unexpected Love Affair (2/5)

Cam Show ~ ft. Van
SOON on MTMS!
=============================================

Habang nanunuod ako ng The Vampires Diary sa ETC, ewan ko ba kong naiitindihan ko ang pinapanuod ko oh sadyang lipad paden ang utak ko. Kanina pa ko tingin ng tingin sa phone ko.

ASSUMING na magtitext talaga si Franc.

Kung tutuusin 2 oras palang naman siya mula ng umalis siya.

"Ay taray! nanunuod ng Vampires Diary, anong drama mo fren? ito oh tissue" si, rico.. katatapos lang maligo ng loko at ako kaagad ang napuna.

"para saan ang tissue? hindi naman ako naiiyak sa kwento no." binalik ko iyong tissue na galing sa loob ng banyo, tae lang. kaya nauubos ang tissue, paano walang sariling tuwalya at tissue ang ginagamit na pamunas sa katawan. adik no?

"naku! hindi naman para sa iyakan ang tissue, para sa nose mo yan fren. For sure pinipigilan mo lang, maya nosebleed fever kana diyan." Tapos tawa siya ng malakas.

ay tae! lakas mantri, kung sabagay hindi ko talaga maintindihan, sakit sa ilong. Eh ang pinapanuod ko lang naman kasi iyong bidang lalaki eh.

mga vamire kasi wagas magmahal, sana vampire nalang si Franc para seryoso siya sa akin noong sinabi niyang bf ko xa.

eerrrkkk! anu bayan! 24 nako kung umarte ako pang PBB teens. asar!!!

"tsee! ewan ko sa iyo fren! May pinag-aralan ako kaya nakakaintindi ako!" taas ko kilay ko sa kaniya.

"ay, sorry naman. akala ko kasi wala." takte talaga, nakadrugs nanaman tong si Rico, nakatira nanaman ata ng albatros sa loob ng banyo. kaya nauubos eh, sinisingot.

"So, you're saying AMALAYER? AMALAYER? AMALAYER?"

simula na ulit ng basagan trip sa loob ng bahay ni kuya. hahha!

"No, frend, you're a dove girl. ginamit ko nga pala iyong sabon dove mo, maya pa ako bibili ng sa akin eh."

"huwaattt??" maka-what naman ako? haha "...sabon ko ginagamit mo, bahala ka, may buni pa man din ako. Mahawa ka sana."

"iw ka fren, now your ALAYER! sa kinis mong yan may buni kapa? magkabuni na si kris aquino pero ikaw? asa lang." sabi niya habang nagpupunas ng maxi peel sa mukha habang nakaharap sa bintilador niya sa loob ng kwarto niya.

"tsee, dinamay mo pa si idol ko." sabay tingin ako sa phone ko, ay shet!!!! ay missed call.

"blah blah blah blah blah...na na na na..." salita pa ng salita si rico, d ko na naiintindihan siya, nakapokus ako sa phone ko, kailangan kong malaman kung sino ang nagmissed call.

pero syempre, umaasa ako na si....

FRANCO SEVERINO...

urgh!!! bakit nanam kasi nakasilent eh. uhuhu. ang drama ko! eh ano pala kong hindi ko nasagot, baka kung sinagot ko baka isipin pa niya namimiss ko siya, dapat hindi ako magpahalata.

pero sana tumawag siya ulit...

"hoy fren, nakikinig kba??" tanong ni Rico.

"ha ah eh-- may sinasabi kaba?" wala talagang pumasok sa isip ko sa mga sinasabi niya kanina. nilapag ko ulit phone ko.

"tae ka talaga eh, sabi ko makikipagkita ako kay Xyndhryx later." sa totoo lang iniisip ko kong code name ba iyon o name talaga.

"ah sa fren mong puro consonants ang name?"

"woi, iyng 'y' is considered as vowel depending on it's use no." siya na english teacher. "tsaka di ko siya fren no... para saan pa't maiiuwi ko din siya dito later!"

ah hinde pala siya teacher.. hooker siya.

"goodluck fren." tingin ako ulit sa phone ko... ay syete ostos nueve dies! may missed call ulitsi Franc. tae kasi to si Rico salita ng salita, eh tanga ko din kasi di ko pa binago sa pagkakasilent eh. urgh!

hindi ko na iniintindi si rico nakapokus na ako sa phone ko.

pero hanggang sa makaalsi si Rico hindi na tumawag si Franc... naku baka isipin niya ayaw ko siyang makausap. pero pwede din naman niyang isipin na tulog pa ako diba? o busy kaya di ko nasagot??? kaya sana lang tumawag siya ulit.

ANO BA YAN!!! BAKIT BA INAASAHAN KO NA TUMAWAG XA!!! nakakaasar naman oh! pero kasi sa tuwing ipipikit ko mata ko, nakikita ko mga kaakit akit niyang mata, at kahit na may pagkasupladito ang itsura na may konting attitude nababalewala iyon kapag ngumingiti siya..

haaayyy... this could be love! tae! ano sinabi ko??? love? urgh! pwe! hindi to love, infatuation??? ano ako bata? baka love na nga! aaahhhhh! taena mo franc ano ba kasi ginawa mo sa akin!!!

KATOK! KATOK! KATOK!!!

Ay syet tong si rico makakatok wagas! wasakin nalang kaya niya para lagot na kami sa may-ari.

"Sige sirain pa mo fren!" dada ko habang papalapit ako sa pinto.

KATOK! KATOK! KATOK!

"anubayan! di kita lalong pagbubuksan eh, aalis alis tapos may malilimutan. adik kasi eh!"

pagbukas ko ng pinto.

MENTAL BLOCKED MOMENT.

"HOY! BAKIT DI MO SINASAGOT TAWAG KO???" ay syet! makasigaw naman rinig buong barangay! nawala moment ko.

yeah right s Franc nga, pero ang pogi niya parin kahit galit at ang sexy niya sa suot niyang business attire???? business attire??? mag-aaply siya??? pero bakit masyadog pang-esikotibo ang suot niya???, pero wait wait!!! bakit siya nagagalit sa akin? kung makaasta siya feeling syota ko talaga siya! asa lang... pero deep inside kinikilig ako.

"HOY DIN! ANO PALA KUNG DI KO SAGUTIN TAWAG MO? MAKASIGAW KA WAGAS UH!" sigaw din ako.

"eh namimiss lang naman kita eh. nag-aalala ako sa iyo kaya dumaan ako dito, bahala ng malate sa meeting, makita lang kita muna... di sila makakapagsimula kapag wala ako." sabi niya. yabang!bumagsak sana sa job interview niya mamaya, ano kaya maisip ng hr na may attitude problem siya para hindi siya ihired.

"ewan ko sa iyo. aalis alis ka ng maaga ng hindi nagpapaalam sa kin, iyon pala babalik ka din ano ba iyon hinintay mo ako muna diba?" tseee! bakit ba ganun ang sinabi ko. haha!

"kasi naman biglang tumawag si Papa sa akin kaya napauwi na ako kaagad. sorry na. aalis na din ako kaagad. gusto lang talaga kitang makita."

kinikilig akooooo! pero ayaw kong ipahalata, ano bayan.

"oh nakita mo na ako, pwede ka ng umalis...." taray ko, bakit ko siya pinapaalis? pero ibig sabihin talaga nun, pwede bang magstay ka muna ng 1 minute more. hahaha!

"wala bang kiss muna???"

urgh! seriously??? kiss talaga? syota ko na ba talaga siya? naku naman, hindi ko inaasahan to uh. pero... bahala na nga.

SMACK!

tsee! napahalik naman ako. sarap ng lips niya. okay lang wala namang tao na nadaan sa tapat bahay namin. tsaka pakiaalam ba nila. haha

"salamat Yam. daan ako dito after meeting, sunduin kita.. lalabas tayo okay?"

hayy tulala ako sa kaniya...

natauhan nalang ako noong umalis na siya.

HUWAT!!!! LALAbAS KAMI? DATE BA IYON???!!

"Hoy frend? what time ka ba uwi dito??" kausap ko si Rico.

"pauwi na ako," sagot niya, agad agad?? bilis naman ng date niya, wala pang dalawang oras mula noong umalis siya ah.

"ah okay, baka kasi lumabas kami---- ah dito ko nalang sasabihin." sabi ko. ewan ko lang kong tutuhanin ni Franc ang paglabas namin, buti nalang wala akong pasok sa shop ngayon pede akong lumabas tonight.

pero ano bang susuotin ko?

at shet! talagang paghahandaan ko ang alok na labas ng franc na iyon? naku ha! pero--- sige na nga kung iyon ang right term 'paghahandaan' matagal na din naman akong walang "date"

eerrh! date daw oh? hahha.

PAGKALIPAS NG ILANG SANDALI.

"Ambilis mo ata makauwi anyare sa date mo?" tanong ko kay rico, tapos--- ay shet!!! sino iyong kasama niya??? ay teka teka.... "...fren siya ba si Xyndhryx??"

"oo frend! told yah mauuwi ko siya!" taena kinikilig ang potang si rico. ramdam ko.

pumasok na sila sa loob.

"Hi Pogi," sabi ko kay Xyndhryx. nakaupo kami sa couch. ngumiti siya noong sabihin kong pogi. takte, baklang bakla kami ni Rico talaga kapag may lalaki dito sa bahay. hahha!

Pogi naman pala talaga siya sa personal. Pero... may franc na ako eh. bahaha. ang lagay pala kung wala akong franc aagawin ko siya kay rico? syempre hindi no.

"oh, ano nga iyong sasabihin mong lalabas ka?" tanong ni Rico at tumabi sa tabi ni Xyndhryx na may dalang orange juice. at silang dalawa lang talaga hindi ako tinimplahan ni rico!!!!

uminom si Xyndhryx at may natira, inabot niya sa akin.

"ah no thanks, nakakahiya naman kay rico kasi di na nga niya ako tinimplahan binibigyan mo naman ako..." tinaasan ako ng kilay ni rico. at hindi bagay sa kaniya. hahhaa! "...oo fren lalabas ako, kasama ko si Franc, so if you don't mind, maliligo na ako at aalis para naman masolo niyo na ang isa't isa." sabi ko, sabay tayo.

"NO WAY!!!! makikipagdate ka kay franco?" pagkakadinig ko... franc ko??

"Oo, just so you know, franco-- hindi francmo. okay?"

"ewanko sa iyo fren, sige na maligo kana para masolo ko na si Xyndhryx." ang landee niya, pinatong niya hita niya sa hita ng bisita niya. eh bahala na nga siya, naiingit lang ako! hahha

sila na kaya? kaingit naman. seryoso ako, naiingit talaga ako kay rico, kasi malamang next week iba na ulit syota niya. ganun siya kabilis magpalit palit.

AFTER KO MALIGO, sinuot ko ang napili kong damit. checkered blue na long sleeves na polo, pero ginawa kong 3/4 iyong sleeves, tapos black pants, para akong power ranger sa suot ko, ah bahala na.

pero di pa talaga tumatawag si Franc, lalabas nalang ako, tapos antayin ko nalng tawag niya, siguro tatambay ako sa mall kesa tumambay ako dito habang pinapauod ko si rico sa panghaharot niya sa kasama niya.

"alis na ko fren. text nalang ako sa iyo kapag pauwi na ko." sabi ko.

"oh sige fren, husayan mo ha?"

"alamuyan!" sabi ko. hahha!

SA MALL.

tinext ko si Franc, sabi ko nasa food court ako ng isang malamig na Mall dahil sa todo effort ang airconed.

konting-maya-maya pa.

"Yam?? ano ginagawa mo dito?" <-----oh no, si ex? at may kasama siyang girl. Baka jowa nya.

"malamang nakatamabay, alangan namang nalangoy diba?" sabi ko, sarkastiko, anyway sana'y naman siya sa ugali ko.

"hindi ka padin nagbabago, kagaya ka padin ng dati." ngiti nalang ako, anong magbabago? ano ako pokemon na mag-eevolve sa ibang level, siya din hindi pa din nagbabago, adik pa din sa mga salitang sarap basagin. Hahaha! "ay..ou nga pala si Jemma, Gf ko." Tama nga ako, syota niya, nakipagkamay ako.

HINDI KO NAMAN TINATANONG KUNG KAANO ANO NIYA KASAMA NIYA, AT WALA AKONG PAKE? HAHAHA. affected? haha!

pogi niya padin, bakit kasi pinagpalit niya ako eh. bahaha!

"ah jemma si Yam." pakilala niya sa akin sa syota niya, pero di niya masabi na ex niya ako. haha! baka mapataas kilay si girl.

konteng usap, tapos umalis na din sila.

pinagmasdan ko sila habang papalayo.

"SINO IYONG LALAKING IYON???" <-------FRANC out from no where!! nakakagulat sya, tsaka. galit-galitan???

ay, change costume na siya, baka bumagsak sa interview kaya nag white tshirt nalang siya, aw.. ang sexy niya sa suot niya. parang kagabi lag kitang kita ko ang kabuoan ng katawan niya, pero bakit parang gusto ko ulit makita iyon. napalunok pa ako noong napatingin ako sa front niya. anubaaa!!!! tangkad niya kasi eh, kaya nakatapat lang ako sa harap niya.

"ah wala iyon, kakilala ko." sabi ko. "anyare sa meeting meeting mo?"

umupo siya sa tabi ko.

"kung kani-kanino ka nakikipag-usap ah!" di siya makapagmove on sa ex ko. hahha.

"alam mo adik ka din no? kakilala ko nga iyon, tsaka pwede ba... bakit kung umasta ka parang pag-aari mo ako..." mahina ko lang sinabi iyon kasi nasa lugar kami ng napakaramaing tao.

"Eh diba syota na kita, kaya ayaw kong nakikipag-usap ka kung kani-kanino, lalo pa't hindi ko kilala, baka agawin ka sa akin ah mapapatay ko talaga aagaw sa iyo." seryoso siya.

"ewan ko sa iyo Franc." pero kinikilig ako sa pagiging straight forward niya huh.

"kumain kana?" tanong niya.

"hindi pa."

"kainin mo ko." sabi niya. ay shet naman talaga tong si Franc ko!

"seriously???" tanong ko.

"oo, pero maya nalang... date muna tayo." sabi nya, kakaupo niya lang pero tumayo na siya kaagad. hinawan niya ako sa braso at tinayo.

"kaya kong tumayo mag-isa.. pwede bitiwan mo ako???" sabi ko.

Hindi niya ako pinansin, umakbay siya sa akin. ampogi nya talaga.

Lumabas kami ng Mall. ayaw niya daw kumain kame doon, pero sabi ko nagugutom na ako.

"urgh! maghintay ka lang...sabihin mo sa sikmura mo, matulog muna siya para mawala gutom niya."

seroyoso siya doon? tae lang natawa ako doon. paminsan suplado, paminsan sweet, ang gulo ng ugali ni franc...

sa parking lot,

totot!

tunog iyon ng isang car,

lumapit siya sa red chevrolet car at binuksan iyon.

"Oy anong ginawa mo??? tae ka! carnaper ka ba?"

tapos umupo siya sa loob. nakatingin lang ako sa kaniya, shet siya! idadamay niya pa ako sa kalokohan niya, uuwi na ako! ayokong sumama sa isang carnaper.

"ano? tatayo ka lang diyan? sumakay ka na kaya! akala ko ba nagugutom ka na.?" tanong niya.

"hoy, uuwi na ako no. isusumbong kita sa pulis!!!!" sabi ko.

"ano bang pinagsasabi mong pulis? ikaw kaya padampot ko, adik ka eh... hindi ako carnaper no! FYI... sa akin itong car na ito, common sense nga, mabubuksan ko ba ito kung hindi ito sa akin? alam mo ang adik mo..." sabi niya.

HUWAAAATTTTT!!!!!! kanya ang sasakyan na iyan? No F.Way! OO, pogi siya, at mukha siyang mayaman, pero... iyong meeting niya kanina? meeting pala talaga iyon, akala ko nagpapa-impressed lang siya sa akin.

"ano na? iiwan na kita sige ka." sabi niya.

"oh edi iwan mo." tumalikod ako, ang arte ko no?

"oy, sorry na,,, sakay kana kasi..." tumingin ako sa kanya, lumabas siya sa "CAR" niya, lumapit sa akin at kumapit sa braso ko. "...kaw kasi eh, kung ano-ano iniisip mo eh.. hindi ako masamang tao, kung masamang tao ako, kagabi palang baka napahamak kana sa akin." tumigil siya... "...maliban sa ginawa natin kagabi, we both enjoyed naman diba? so it wasn't consider as 'kapahamakan?"tama?"

pinaalala pa niya ang kagabi.. ugrh!!! sino ba talaga ang lalaking ito! bakit bigla siyang dumating sa buhay ko! charot. hahha!

edi sumakay na ako sa car niya. oh God! first time ko sumakay dito, para na akong artista.

artista kaagad? haha! walang pakialamanan.

ehh-- kinikilig ako lalo kay Franc, lalo na kapag inaamo niya ako. pag ako, nainlove dito at nasaktan ako ay naku lang.... may kamag-anak na mangbabarang si Rico, patay talaga siya sa akin. Hahaha!

"ano tinitingin mo sa akin? may dumi ba ko sa mukha?" sabi niya, shet naman kasi ako makatingin eh.

"ah wala, pwede ba, sa daan ka tumingin baka mamaya mafinal destination tayo, nagsisimula pa nga lang love story natn mawawakas n kagad." sabi ko,

"ano sabi mo?" nakangiti siya.

"alin? final destination?"

"hindi iyo, iyong bago maglast part ng sinabi mo..?" nakangiti talaga siya.

ay shet, nasabi ko bang love story namin? tae aman kasing dila eh, kung ano ano ang sinasabi.

"ah wala, nakalimutan ko na. meron akong STML." sabi ko.

"ah, gusto mo paalala ko sa iyo?" ayaw mawala sa mukha niya ang ngiti. tae tong franc na to!

"eh alam mo naman pala sinabi ko, tinatanong mo pa. adik ka din no???"

"oo, sa iyo... bale, nagsimula love story natin sa di inaasahang pagkakataon, kaya im sure magiging maganda kahahantungan natin..." sabi niya, at saan naman niya napulot ang statement na iyon? malamang hindi rin inaasahan ang magiging ending ng storyang ito. letche siya! haha. pero ang cute cute niya.

okay lng na walng ending, basta may happy.

ngiti na din ako.

at dinala niya ako sa isang restaurant.

ANG BONGGA! di umakma sa suot ko. wahahaha!



"Mukhang mamahalin diyan uh?" Tanong ko.

"Oo. Mamahalin talaga, kaya nga diyan kita dinala eh..." sabi niya. bakit pala? para iparating sa akin na hindi ko afford kumain dito??? kapal ng mukha, isang sahuran ko sa shop, kakayanin kong kumain dito no.

"alam mo ang hangin mo no?" sabi ko.

"bakit naman?" Park niya car niya sa tapat ng resto. tapos lumabas na kami ng car niya. Nahihiya ako, takte... ang panget ng outfit ko, parang papasok ako sa deliquenteng lugar tapos suot ko pang holloween party, ah bahala na nga!!!!

"yabang mo kasi eh.." sagot ko, papasok na kami sa loob.

"anong mayabang doon? masarap nga kumain sa mamahalin, lalo na kasama kita, para mamahalin mo na din ako..." tapos ngumiti ang loko.

"ang kornikels mo!" sabi ko, tsee! peo patuloy niya akong pinapakilig in all fairness ha.

Upo kami sa magarang table, na hindi ko maidescribe basta maganda talaga. Para akong nasa palasyo, tapos ako iyong katulong habang katapat ko ang prinsipe, at sasabihin niya sa akin...' will you marry me?" wahahaha!

"Sir, can i have your orders?" tanong ng... aw wow! ang hot naman ng waiter dito!!! kakagigil, aw... Marky ang name niya, nsa golden name plate niya.

"Hoy! ano daw order mo???" <--si franc, lakas makapang epal, nagmomoment pa ako eh.

Tingin ako sa menu...

parang gusto ko ng tumayo at sabihin kay Franc na,

"perahin ko nalang, sa bahay nalang ako kakain, isang ulam lang dito isang araw na sahuran ko na sa shop eh!"

pero, napalunok nalang ako. hindi ako makapili, tsaka never ko pa natitikman ang mga iyon, sure ba na nakakain ang mga toh.

"ano na??? hindi ka mabubusog sa kakatitig sa menu not unless mag-oorder ka!" si Franc... tapos nadinig ko na ngumisi iyong waiter.

"give me water.. cold water." iyon lang at nilapag ko ang menu.

"ano? nagugutom ka tapos tubig lang, ang adik mo talaga no???" sa tono ng panananilita ni Franc, naiinis talaga siya. wala akong pakialam.

baka kasi isipin niya nagttake advantage ako eh. asa xa!
pwede akong kumain sa kwek kwekan no.

"...chicken tenders for two...& 2 Mediterranean fettuccine.. and give us Honeydew melon and cucumber adult beverage for our drinks..." sabi ni Franc, sa totoo lang hindi na siya nakatingin sa menu kaya hindi ko alam kung ano mga sinasabi niya, baka mamay may halong lason an iyon. Tapos bigla nalang bubula bibig ko mamaya tapos sasabihin niya, ilibing na ako ng buhay.

"...and fresh apple cinnamon crisp for desserts. Ayon lang,"

Tulala nanaman ako.

"ano nanaman? tulala ka nanaman sa akin eh?! alam ko pogi ako, hot, yummy, but you don't need to worry, kasi i'm yours."

peste talaga! sa tingin ko nananginip lang ako. sana gisingin na ako ni rico sa mahabang panaginip na ito!!! urgh.

"franc, tapikin mo nga ako sa pisngi."

PAK!

"AAARRRAY!!! sabi ko tapik lang hindi sampal! adik ka talaga." sakit nun uh! so hindi ako nananaginip lang.

nahiya na tuloy akong tumitig sa kaniya na. asar!

Then, taran!!

nakaserve na ang inorder niya para sa amin sa tingin palang busog na ako, sa amoy palang busog na ako, what more pa pagtumikim ako?? busog lusog.

psweet lang ako kumain, nakakahiya naman sa kaniya. pero konti lang naman talaga ako kumain.

at

BURGGG...

nadighay talaga ako, at normal naman iyon sa isang tao. kaya...

"excuse me..." ngiti. sa isip isip ko, taena. sarap kumain dito. di ko malilibre si rico dito, pwede kayang magpatake-out? kasu nakakahiya. next time nalang. hahahaha.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko?

"Hotel tayo gusto mo?" tapos taas taas kilay siya. ang pilyo! ang halay! hayup talaga.

"ay ewan. hindi pa ako inaantok no, atsaka may bahay naman akong inuuwian bakit hotel pa." sabi ko habang pasweet na nagtototpik. punas punas tissue sa bibig, piling mayaman ako.

"syempre, syota kita kaya dapat lagi tayo magkatabi matulog. sige doon ako ulit matutulog sa kwarto mo huh?" sabi niya.

seryoso siya? pero kung sa bagay, hindi nga siya umaarte kagabi kahit bintilador lang. malamang kasi sa kwarto niya 2 airconed ang naka-on.

"tara na." sabi pa niya.

"saan?"

"sa puso ko."

ay letche talaga tong lalaking to' ang korni korni.

"noong tayo sine, breaking dawn.."

ay shet! hindi ko na uurungan tong alok na toh. tumayo kaagad ako.

"tara na!" hindi ako masyadong excited niyan!

pero tinawag muna niya ang waiter para kunin ang bill, paglapit may inabot na papel iyong waiter, dahil usisiro ako, sinilip ko lang.

OH MY GAD!!!

tumataginting na 5,342.50php na kaag iyong kinain namin???? kung iyong 342.50 nga sold na sold na ako nun may sukli pa eh tapos 5k pa???? ginto ata ang hinahalo nila sa pagkain eh.

sumakay kami sa car niya ulit.

"oh bakit tahimik mo?" tanong niya.

"bakit mo ginagawa ito?"

"ang alin?"

"ito, ang pagsama mo sa akin..." nagsimula na talaga akong mag-usisa..kasi kung tutuusin, nakasex nanaman niya ako, pwedeng pwede na niya ako kalimutan at itapon na parang basahan. charot drama ko, pero in allhonesty. Bakit pinapadama niya sa akin na napaka special ko kahit na minsan nagsusuplado siya sa akin, samantalang kagabi lang kami nagkita.

"kasi i like you...nililigawan na nga kita eh. gusto kong maramdaman mo na gusto kita, since last night na-na-meet kita.pakiramdam ko kasi, ang gaan gaan ng loob ko sa iyo, lahat ng gusto kong sabihin nasasabi ko sa iyo ng walang alinlangan." sabi niya.

bumuntong hininga ako.

nanliligaw palang pala siya tapos sasabihin niya syota ko na siya, ang gulo niya. pero hindi ko pa alam, maghihintay pa ako ng ilang raw pa para masigurado kong seryoso talaga siya.

Ayon nanuod kami ng BD part2, ganda ganda talaga. Tapos habang nasa loob kami ng sinehan. inabot niya ang kamay ko. Hinawakan lang niya hanggang sa matapos ang palabas.

Hinayaan ko nalang, hmm.. tapos pinahiga niya ako sa balikat niya...kinilig ako sa pinapanuod ko, kinikilig ako sa ginagawa ni franc.

pagkatapos manuod, ayon namasyal pa kami sa park. kulitan, tawanan. Nalaman ko na, maloko din tlga si Franc.

madaling araw na kami nakauwi.

"Oh, di ka pa uuwi?" tanong ko.

"eh-- sabi ko sa iyo diba dito ako matutulog katabi ka?" ay seryoso nga tlaga siya. kung sabagay nakaayos naman ang park ng sasakyan niya.

"eh.. bahala ka na nga." ngumiti ako at kumatok sa pinto.

ang nagbukas noon ay si Xyndhryx na nakatopless.

wow! katawan na nakakagigil naman talaga oh.

"eherm!!!" <--si franc. sorry naman na caught ako ng katawan ni Xyndhryx. Hahha!

pumasok muna kami bago ko ipakilala sila sa isa't isa. sabi pa ni Xyndhryx, tulog pa daw si rico. at malamang pagod na pagod ang loko. ako naman pago na pagod sa paggala sa labas kasama si franc.

Pumasok na din si Xyndhryx sa kwarto nila, tapos pumasok na din kami sa kwarto ko.

nagpahinga lang muna kami.

"yam.. ligo tayo." sabi ni Franc.

Good thing may laman ang mga container kaya nakaligo kami.

eh.. sa loob ng banyo, sabi ko kay franc, mag brief siya kasi naiilang padin ako no kahit pa sabihin na nakita ko na iyon. pumayag naman siya, pero dinidikit niya pa din sa likod ko... urgh!

ang yummy talaga ni Franc..

pagbalik namin sa kwarto. humiga na kami. yumakap na siya sa akin. pumikit...

natulog.

ako naiwang gising habang patuloy na nagiisip.

ito ba ay totoo o isang panaginip.

tinitignan ko si Franc habang natutulog. tae! mahal ko na ba ang lalaking ito??? anu ba!!!

Basta gumising nalang ako isang araw...

KAME NA TALAGA NI FRANC.

ih, walang araw na hindi niya ako sinusorpresa ng kung ano anong anek anek. nandiyan ang bigla bigla siyang susulpot sa likod ko na parang multo, paminsan naman nagigising nalang ako na nasa tabi ko na siya.

parang ayaw niya akong lubayan pa.

"Franc... seryoso kaba talaga sa akin?" 2 buwan na kasi kaming naglolokohan eh. hahha! pero naman no, walang flaws, walang hussles, walang drama, puro lokohan lang.

"eh--- kung pera lang iyang tanong mo siguro pde na ako makadeposito ng 1000..." sabi niya, nakayap siya sa akin. nakahiga kasi kaming dalawa. "...at ilang beses ko naring sinagot iyan diba? hindi ka naniniwala sa akin? sa tingin mo sa loob ng 2 buwan ay nagbibiro lang ako..." hinigpitan niya yakap sa akin.

"malay ko pa kung meron kang hidden agenda... na paliligayahin mo ako tapos pagmahal na mahal na kita iiwan mo ako..." sabi ko...

"sino naman halang ang kaluluwa na gagawa noon???" tanong niya.

"naninigurado lang..."sabi ko...

"sge pag tinanong mo pa ako niyan, iiwanan na kita..." ah ako pa tinakot niya huh! mahal ko siya 98%-- may 2% pa akong natitira....

"ade iwan mo!!!" talikod ako.. drama ko, ang arte ko, ako nagsimulang magtanong tanong tapos ako itong mababadtrip? hahaha. attitude din ako no?

"oy... to naman, biro lang yun... di kita iiwan no, kahit araw arawin mo pa ako tanungin, kahit oras oras pa..." ehh...dami kong kilig moments sa kaniya lalo na pag sinasabi niyang...

"i love you yam...." syempre haharap ako sa kaniya, tapos bigla niyang sasabihin...

"sex tayo..."

ughr!!! ang halay ng lalaking to! bigla bigla tumataas ang libido, inisip ko tuloy mukha pa akong prostitute at lagi siyang L na L sa akin...

"ayako! wala ako sa mood." sabi ko.. pero, deep inside,, ih.. simulan mo na kasi... hahahha!

"please na..." ginapang na niya palad nya sa loob ng tshirt ko at kinapa ang boobs ko, charot wla akong boobs, utong lang. wahahahah! pinipisil pisil niya, iyon kasi ang sexual spot ko.. alam na alam niya.

hanggang sa...

"eh---nakikiliti ako.." arte ko no??? wahahah. hinahalikan niya ako sa leeg.

"ano ba sabing nakikiliti ako ehh!" tinulak ko siya ng pagkalakaslakas...

BLAG!!!

hulog siya sa kama.

"aray! grabe ka naman manulak..."

"ay sorry franckie..." napangisi ako, kasi ang kengkoy ng itsura nya sa lapag. plakda talaga siya.

"sorry pala uh!!!!!" tumayo siya at tinalunan ako.. sinimulan niyang kilitiin ang buo kong katawan..

"HOYYY MAGPATULOG NAMAN KAYO!" <--- si rico yun sa kabilang kwarto, at pinupokpok ang pader, inggit lang siya kasi nakipagbreak na sa kaniya si no consonants name.

"ih.. kulit mo kasi eh.. nagigising ang reyna." sabi ko habang nakapatong sa akin si Franc..

"SORRY MADAM, si YAM kasi ayaw magpa-score eh..." seriously??? iyon ang sasabihin niya!

"NAKU HA!!!! TIGILAN NINYO AKONG DALAWA DIYAN! HUWAG NYO AKONG INIINGIT!!!" <--- si rico... hahha!

"Madam, pwede mo naman kaming panourin eh..." sabi ni franc, tapos humagikgik siya... loko talaga!

"AY LETCHE KAYONG DALAWA. I HATE YOU BOTH!!!!" <---si rico.

"You're welcome madam..." sagot nifranc, hagikgik nang hagikgik... ang kulit talaga, natatawa tuloy ako.

"ang kulit kulit mo no...ang gulo ng ugali mo, minsan seryoso, minsan galit, minsan pilyo, minsan loko, minsan alien, minsan halimaw, minsan engkanto..."

"hoy hoy hoy! grabe ka naman maka-alien, halimaw at engkanto.. hindi naman ugali yun eh..." pag-aalsa niya, nakapatong padin siya.

"ih.. nabibigatan na ko ako sa iyo,," humiga siya sa tabi ko..."uu, di nga ugali yon, pero nakukuha mo ugali ng mga aliens... ang gulo kasi ng utak mo..."

"pero mahal mo akong alien?" pumipilyo ang mga tingin niya...

"hindi mas gusto ko kong halimaw ka..." sabi ko..

"ah.. gusto mo pala iyong halimaw side ko ah... sige, kakainin na kitaaaaaa!!!!!!" pumatong siya ulit sa akin.

"URRRHGHH! nakikiliti akooo!" sobrang lakas na talaga ng tawa ko.

at si Rico di na pumakialam sa min, baka nagsawa na kakasaway sa amin.

at sa kulitan namin... nakuha na niya ang hinihiling niya noong magkatitigan kami sa aming mga mata... eh, hinipnotismo na niya ako ulit eh..

namalayan ko nalang na tila hingal na hingal siya habang nasa ibabaw ko siya at dinadampian ko ng palad ko ang kaniyang pisngi..

ilalapit niya ang labi niya sa labi ko at bubulong sa taenga ko na..

"i love you very much..." at bibilisan na niya ang pag-angkin sa akin...at sabay naming sasalubungin ang sarapp...

it feels so good lalo na kapag mahal nyo ang isa't isa.

pagkatapos ay, humiga siya sa tabi ko at kinuha niya ang kamay ko upang yakapin ko siya.

papahinga lang kami at maliligo maing dalawa.

ganun namin kamahal ang isa't isa. gusto ko na ngang tapusin sa ganito ang kwento namin pero... hinde eh....

MADAMING ARAW PA LUMIPAS... hanggang isang araw may bumisita sa akin sa shop...

"Yam... may naghahanap sa iyo..." si Lhan iyon, kasamahan ko sa shop.. hmmm, flowershop ang binabantayan ko.

"sino daw?" tanong ko.

"hindi ko kilala, pero mukhang maldita fren!" sabi niya... maldita? babae? ate ko? pero wala akong ate, tita ko? nasa abroad iyon, s Mama? eh nasa heaven na si Mama eh..

"babae?" pagtatanong ko.

"hindi fren.. nag-iinarteng babae lang." tapos napatawa siya. napatawa din ako.

lumabas ako para makita ko ang sinasbi niya.

nakita ko kaagad siya, nakapwesto siya sa table glass ang curve chair namin. Nka-cross arms siya, nakadekwatro. Mukhang mayaman, mukang sopistikada, ay sopistikado pala.

bading ba siya? mukhang hindi na oo eh... effem??? hindi din eh, o sadyang makinis lang talaga siya at maputi, at whatever.. lapit ako, inalis niya ang kaniyang bonggang salamin sa mata na hindi ko alam kong anong tawag doon at inilagay niya sa colar ng bongga din niyang damit, lahat sa kaniya bongga!

nakatingin siya sa akin ng deretsyo..

paglapit ko, tumayo siya.

"ano pong mapaglilingkod ko,.... sir?? ay maam? ay---"

"whatever" sabi niya! taray. hahaha!

"you must be YAM CONCEPCION? is that right???" sabi niya at ang taray ng accent bumibritish. di ko kaya. nosebleed fever nanaman to!!!

"Yes, i am him.." tama ba sagot ko? kinabahan kasi ako bigla eh... kaya nga di ako nagcallcenter eh...

"Stupid answer." sabi niya.

ay shet! mali ba sagot ko??? mali ba grammar ko? taena nitong baklang straight na ito uh! sarguhin ko kaya ito, pero kasi customer eh, kaya dapat paring i-pleased...

"ano po bang maipaglilingkod ko?" ayan nagtagalog nalang ako..

ay shet, tinitignan nya ako mula ulo hanggang daliri ko sa paa.

"You look grotesque. And you smell like a shit."

AY SHET! hindi ko alam kung anong grotesque na iyon oh kung ano man iyon, pero taena, i am smell like a shit??? i smell war here! taena lang talaga. Urgh!!!!

kalma... may pinag-aralan ako, dapat akong kumalma... customer siya, tauhan ako. pasalamat siya at nandito kami sa loob ng shop, ay letche lang talaga!

"Ano pong problema ninyo?" kalma kong tanong.

"You don't deserve to work here, flowers shouldn't be contained by garbage."

AY SHET TALAGA! dumudugo na ilong ko pero, naiintindihan ko iyon uh. oo wala kaming basurahan kasi nasa labas, ano bang problema niya sa basurahan. gigil na ko, sasabunutan ko na tong baklang englsira na ito.

"Kung pwede paki tagalog at pakistraight to the point kasi po hindi ko kita maintindihan---- PO." rumerespeto padin ako!

"Pathetic! Idiot, moron. Layuan mo na si Franco Severino. Because he is mine!"

AY --- TAE! di ko maunawaan narramdaman ko, inaalipusta ako ng baklang ito, tapos... anong sabi niya? kanya si Franc???

IN RELATIONSHIP SI FRANC!!!!!

taena! gusto kong maluha! taena gusto ko magwala...

"Iyon lang po ba. Okay po, and just for the record... hindi ko siya nilapitan, kusa siyang lumapit sa akin. Kaya walang dahilan para layuan ko siya. Pero dahil sa mabait ako, fine."
say ko.. pero, konti nalang luluha na ako sa nalaman ko.

"Good. and please deliver my ordered flowers in my pad. Nasa reciept ang address ko, siguro naman marunong kang magbasa." Binalik niya ang salamin niya sa mata niya.

at lumabas, pinabuksan siya ng driver niya ng Car.

Hindi ako naiinis sa baklang iyon, naiinis ako kay Franc!!!!

NILOLOKO AKO NI FRANC! TAENA TALAGA!!!!

URGH! HUMANDA SIYA SA AKIN!!!!

~CREDIT TO OWNER~

don't forget to Tweet and Follow My Twitter Account:
https://twitter.com/mtwomshows

~AMBER~

No comments:

Post a Comment